Benepisyo at Resulta

Matapos ang pagpa-plano ng konseptong papel, fund raising program para sa pagpapa-gawa ng booklet at t-shirt, at pagmo-model ng mga t-shirt, mahigit na 50 t-shirts at 100 booklets ang naibenta. Php 7,500 ang nakalap na pera pagkatapos ng adbokasiya at mga klase mula Grade 1 hanggang Grade 3 ng Bolboc Elementary school ang napuntahan ng grupo para mamigay ng booklet.



Nakamit ang lahat ng layunin ng proyekto o adbokasiya. Napansin ang dagdag na kaalaman ng mga estudyante tungkol sa ating mga bayani, at ang kanilang kakayahan upang maisalba at mapalaganap ang kalaaman tungkol sa Wikang Filipino. Tiyak na napukaw ang mga damdamin ng mag-aaral sa mga booklet na napamigay, na nagtataglay ng mga quotes mula sa iba't-ibang bayani. Ito'y magsisilbing insipirasyon para sa kanila. 

Ang mga inaasahang resulta ay nakamit. Nakatulong ang adbokasiyang ito na ipalaganap ang tungkulin ng kabataan na maintindihan pa lalo ang kahalagahan ng Wikang Filipino.

Popular Posts

Like us on Facebook

Flickr Images

Subscribe