Rasyunal, Mithiin at Layunin

Sa panahon ng teknolohiya at social media sites, tunay na iba't ibang impluwensya na ang dumadating sa mga tao, lalo na sa mga kabataan. Madalas na ginagamit ang Facebook o Twitter sa pagpapahayag ng damdamin at mapapansin na impormal na wika ang ginagamit. 

Mithiin ng adbokasiyang ito ang pagtuturo at panghihikayat sa kabataan para sa pagbabago at pagpapa-yabong ng kutltura. Maipapakita ito sa tamang gamit ng wika, higit na sa pagsusulat at pagsasalita. Isa pa sa layunin ng adbokasiyang ito ay ang pag-pukaw sa damdamin ng mga kabtaan gamit ang t-shirt at booklet na nagtataglay ng mga salawikain mula sa iba't-ibang bayani ng Pilipinas. Nais din na makatulong ng adbokasiya na hindi mahantong sa maling landas ang kabataan: sa pamamagitan ng mga salawikain ay magagabayan sila at magkakaroon ng insipirasyon.

Ang mga layunin ay ang mga sumusunod: 
  • Matukoy kung ano nga ba ang papel ng media sa pag-unlad ng wika nang sa ganon ay magabayan ang bawat isa sa tamang paggamit ng wika. 
  • Mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan partikular na ang mga mag-aaral kung ano nga ba ang saloobin nila tungkol sa nalaganap na makabagong lengwahe. 

Popular Posts

Like us on Facebook

Flickr Images

Subscribe