Disenyo

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, naiangkop ang aktibidad ng pagmomodelo noong Agosto 28 sa De La Salle Lipa MB Exhibit Area kung saan  inirampa ang mga t-shirts na may naka-imprinta ang mga kasabihan na sinambit ng mga bayani ng Pilipinas. Makikita sa ibaba ang mga sumusunod na kasabihan na nagamit sa t-shirts. Pagkatapos ng matagumpay na pagmomodelo, ay naibenta sa mga estudyante ang 50 Tshirts sa loob ng 3 araw.

Sa tulong ng isponsors at mga nag-boluntayo sa proyekto (fund raising project) naisakatuparan ang pagsasagawa ng 50 Tshirts para sa 100 booklets na ipinamigay sa mga estudyante sa ikauna-ikatlong baitang ng elementarya sa Bolbok Elementary School noong Setyembre 21, 2015 kasabay ng pagdiriwang ng Peace Day.

TIMELINE:
Naging mabusisi at pinaghandaan ng maayos ang proyekto alinsunod sa mga alintuntunin ng adbokasiya at nakaayon sa oras na itinakda sa ilalim:

Hunyo - Hulyo - Naipasa ang konseptong papel at na-aprobahan ang adbokasiya
Hulyo - Nagpadala ng sulat sa mga piling isponsors (Globe at DongA-Pen) at reserbasyon ng  mga ginamit para sa pagmodelo ng t-shirts sa Agosto
Agosto - Pagsagawa ng mga nag-boluntaryo ng 50 t-shirts
Agosto 28 - Pagmodelo  ng t-shirts sa De La Salle Lipa MB Exhibit Area
Agosto 29 - Agosto 31 - Pagbenta ng 50 t-shirts sa loob ng iskul at paglikom ng pera na sasapat sa paggawa ng booklet
Setyembre - Pagsagawa ng 50 booklet at pag-imprinta nito
Setyembre 21 - Pinamigay ang booklet sa mga estudyante ng Bolbok Elementary School




 

Ang mga sumusuno na salawikain ay napaloob sa booklet:




“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makarating sa  paroroonan.”  Dr. Jose Rizal.

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” Dr. Jose Rizal

“Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuwid, anuman ang mangyari.” – Jose Rizal

“Ganito ba talaga ang tadhana nagtin? Kalaban ang kalaban? Kalabang ang Kakampi? Nakakapagod na.” - Heneral Luna
“Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matalino ngunit walang puso at lalaking punung-puno ang puso ng pag-ibig ngunit walang talino, pipiliin ko ang huli.” - Jose Abad Santos

“Di kailangan, kapatid ko, ang magbukas ka’t bumasa ng pilosopiya, o nang teolohiya at iba pang karunungan, upang maranasan mo ang kadakilaan nang Dios.” – Marcelo H. del Pilar

“Wala na tayong panahon para sa mga bagay na hindi natin kayang panindigan” -Heneral Luna

“Negosyo o Kalayaan? Bayan o Sarili? Pumili ka!” -Heneral Luna

“Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikakabuhay ay nagpapahayag ng tunay na pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak, kapatid, at kababayan.” – Andres Bonifacio

“Ang laki sa layaw ay karaniwang hubad” - Jose Rizal

Popular Posts

Like us on Facebook

Flickr Images

Subscribe