Panimula/Kaligiran

Sa panahon ng pangunguna ng teknolohiya at impluwensiya ng ibang bansa, nakakalungkot na tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ng kabataan ay nakaiintindi o nakagagamit ng Wikang Filipino sa tamang paraan: pagbasa at pag-sasalita.


Nasasaad sa Limited Effects Theory (1940-1950) na ang mga tao ay pumipili ng kanilang tatangkilikin, at kakaunti lamang ang impluwensya ng media dito. Sa panahon ngayon, ay hindi maiiwasan na labis makisama ang lahat sa kung ano ang uso o trend. Sinisikap ng lahat, lalo na ng mga kabataan na sundin kung ano ang uso at tangkilikin ito. 

Kasama sa pagtangkilik ng kung anong uso ay pagpapalit-Wika. Mas tinatangkilik ang kung anong galing sa ibang bansa - ibang lenggwahe, kaysa sa sariling atin. Mas may alam lalo na ang mga kabataan sa laro, o di kaya naman ay simpleng salita sa Wikang Ingles. 

Nakapagtataka na kung sino ang mga susunod na tagapamahala ng bansa ay siyang hindi kikilos at tatangkilikin ang sariling kanya. Patuloy na natututo ang kabataan sa bagong bagay ngunit hindi nila alam na naiiiwan na nila ang bansa.





Popular Posts

Like us on Facebook

Flickr Images

Subscribe